PNP-Petron Lakbay Ligtas Project inilunsad muli

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Ginanap ang regional relaunching ng PNP-Petron Lakbay Ligtas Project sa Barangay Kumintang Ilaya, Batangas City ngayong Huwebes upang agad tumugon sa anumang emergency o krimen lalo na ngayong undas at nalalapit na holiday season.

Sa ilalim ng proyektong ito, nagtatayo ng isang patrol area sa harapan ng Petron service station kung saan may tatlong pulis ang nakatalaga araw araw upang tumulong sa publiko at sa pananatili ng kaligtasan at kaayusan.

Ayon kay Jason Vergara, area sales manager ng Petron, Southwest Luzon, sinumulan ang proyekto noong 2015 at ngayon ay may 1,000 Petron service stations na sa buong bansa ang mayroon nito.

Layunin aniya ng proyektong ito na magkaroon ng “cincreased police visibility”at mapabilis ang pagresponde sa mga emergencies upang maging ligtas ang komunidad. Ito rin ay pagpapakita ng kooperasyon ng kapulisan at ng komunidad sa pananatili ng katahimikan at seguridad . Nanawagan siya sa mga mamamayan na suportahan ang proyekto upang magtagumpay ang layunin nito

Sinabi naman ni Deputy Regional Director for Administration Police Supt. Israel Ephraim Taverner Dickson na “Assistance such as this will boost the capability of our personnel in intensifying our efforts to promote safer communities through increased police visibility and crime prevention.”

Nagpasalamat din siya sa Petron sa pakikipagtulungan nito sa kapulisan at sinabing higit pang pagbubutihin ang pagsisilbi ng mga law enforcers upang makamtan ang vision para sa isang ligtas at matahimik na CALABARZON tungo sa ibayong “socio-economic development” at kapakanan ng mga mamayan.

Sa mensahe ni Mayor Beverley Dimacuha na kinatawan ni Executive Assistant Edilberto Perez, sinabi niya na handang makipagtulungan ang city government sa layunin ng proyektong ito. Binigyang diin niya na ang mga concerned government agencies kagaya ng Transportation Development and Regulatory Office(TDRO) at ang City Disaster Risk Reduction and Management Office(CDRRMO) na tumanggap ng pagkilala bilang pinakamagaling na CDRRMO sa Calabarzon ay laging handing maglingkod sa publiko. (PIO Batangas City)