2017 Division Sports Competition isinagawa ng Dep Ed Batangas City

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

BATANGAS CITY- Pormal na binuksan ng Department of Education, Region IV-A Calabarzon Batangas City Division ang limang araw na 2017 Division Sports Competition na nilahukan ng mga public at private elementary at secondary students sa Batangas City Coliseum noong October 23.

Sinimulan ang programa sa entrance ng mga athletes, coaches, school officials at iba pang miyembro ng mga delegasyon sa oval football field.

Ayon kay Dr. Socorro Comia, chief of education supervisor ng Curriculum and Instruction Division (CID) ng DepEd Batangas City, layunin nilang makapili ng mga excellent athletes na sasanayin at ilalaban nila sa regional at national sports competition kasama na dito ang Palarong Pambansa.

Sinabi ni Mayor Beverly Dimacuha sa kanyang inspirational message na “kasama po ang inyong lingkod upang maitaas ang antas ng edukasyon at mapalawak ang kaalaman at karanasan sa larangan ng sports.” Sinabi rin niya na mahalaga ang ganitong competition upang makahubog ng best athletes para sa local at international tournament. “Let us all go for excellence or even beyond excellence,” hamon ng mayor sa mga manlalaro.

Sina Jake Ellis Evangelista, gold medalist sa swimming sa Palarong Pambansa 2017 at isa pang medalist na si Jewelle Mae Macatangay, ang nanguna sa Lighting of the Games Urn. Si Leeya Beatriz Marbella ang nagbigkas ng Athletes Oath of Amateurism. Pinangunahan naman ni Nicolas Asi, education program supervisor, MAPEH 1 ang Oath of Conduct for Officiating Officials.

Nanguna sa Unity Dance/2017 Wellness Campus ang sports coordinators ng elementary at secondary athletes. Ang pagbubukas ng sports competitions ay pinangunahan ni Dr. Vicky Fababier, chief education supervisor, School Governance Operation Division (CSGOD) ng DepEd Batangas (PIO Batangas City)