Cong. Mariño at Mayor Dimacuha namigay muli ng allowance ng scholars sa barangay

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Personal na iniabot nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang subsidy allowance na nagkakahalaga ng P3,000-P5,000 sa may 246 EBD scholars sa Sto. Niño National High School.

Panglima ang nasabing paaralan sa pinuntahan ng Mayor’s Action Tteam kung saan nauna na rito ang Pinamucan NHS, Pedro S. Tolentio NHS ng Ilijan, Talahib Pandayan NHS at Tabangao National High School.

Isa sa mga tumanggap ng subsidy allowance ang bagong scholar na si John Carlo Asi, grade 9 student. Malaking tulong aniya para sa kanya bilang anak ng isang magsasaka ang mapabilang sa scholarship program. “Nakakabawas sa mga gastusin at nakakatulong na maipagpatuloy ang aking pag aaral.”

Pasasalamat naman ang namutawi kay Sofia Evangelista, residente ng Brgy. Malibayo at may dalawang anak na nag aaral sa nasabing paaralan. Siya at ang kanyang asawa ay kapwa magsasaka at panahon pa ni Mayor Eddie Dimacuha ay nakikinabang na sa mga programa ng pamahalaang lungsod. “Natutuwa po ako kasi hanggang ngayon ay naipagpapatuloy ang mga ganitong proyekto at natutulungan kaming mahihirap”.

Sa mensahe ni Dimacuha, hiniling niya sa mga estudyante na mag aral ng mabuti dahil hindi nagsasawa ang pamahalaang lungsod na tulungan ang mga kabataang nais marating ang kanilang mga pangarap. Nanawagan naman si Mariño na ipaalam o iparating sa mga kakilala, kapitbahay o mga kaibigan ang tungkol sa scholarship program na ito upang pati sila ay makinabang din dito.

Ipinaliwanag naman ni Manolo Perlada, head ng scholarship program ang mga alituntunin at mga updates ng nasabing programa. Ugaliin aniyang bisitahin ang scholarship page sa social media o makipag ugnayan ng personal kung may mga katanungan.

Kasama rin ng grupo ang ilang personnel ng Development Bank of the Philippines (DBP) upang agad na mapalitan ang tseke ng mga estudyante. (PIO Batangas City)