Red Cross Batangas tumanggap ng water sanitation equipment

  deped-1.jpg deped-2.jpg deped-3.jpg deped-4.jpg deped-5.jpg

BATANGAS CITY- Nagiging problema kung may kalamidad ang availability ng malinis na supply ng tubig kung kayat malaking tulong ang bagong kagamitan ng Philippine Red Cross(PRC) sa Batangas kung saan ito ay pwedeng mag convert ng 3,000-5,000 litro ng tubig upang maging potable ito o ligtas inumin.

Ayon kay PRC Batangas Chapter Administrator Ronald Generoso, ang kagamitang ito ay ang LMS at SETA equipment na ipinagkaloob sa kanila para sa Water Sanitation and Hygiene(WASH) |Program nito kung saan ito ay ginagamit sa mga large-scale disasters.

Samantala, sinabi rin ni Generoso na napili ang PRC Batangas bilang Regional Training Hub para sa ibayong paghahanda sa mga lindol at iba pang kalamidad dahilan sa “logistical capacity” nito na makapagsagawa ng mga ganitong pagsasanay.

Mag-ooffer din ang PRC ng Emergency Medical Technician Course na tulad ng Rescue 911 sa America. Ito ay isasagawa sa apat na sessions tuwing weekend. Isa sa mga ituturo dito ay ang tamang paraan ng paggamit ng ambulansya na dapat pangasiwaan ng highly trained personnel at may license to operate.

Pagdating naman sa kanilang blood donation campaign, ipinagmalaki ni Generoso na natutugunan ng kanilang sangay ang 1% blood requirement ng lalawigan.

Nakatakda namang isagawa sa Disyembre ang 1st Red Cross Youth Camp na tatalakay sa disaster management, social services, volunteerism at iba pa. Ito ay may temang “Kilos Kabataan para sa Kaligtasan”. (PIO Batangas City)