Mga empleyado sumailalim ng libreng flu vaccination

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Bilang bahagi ng health care program ng City Health Office(CHO) para sa may 1,702 permanenteng empleyado ng pamahalaang lungsod ng Batangas , muli itong nagsagawa ng libreng flu vaccination sa iba’t ibang tanggapan upang mabigyan ng proteksyon ang mga empleyado sa nakakahawang sakit na influenza.

Isa si Mayor Beverley Dimacuha sa mga binigyan ng nasabing vaccination upang mapangalagaan ang kanyang kalusugan sa flu.

Ayon sa CHO, ang flu ay isang respiratory disease na maaring magdulot ng complications kagaya ng pneumonia at maaring makamatay kung mapapabayaan. Sa pamamagitan din ng vaccination na ito ay maiiwasan ang hospitalization kung maging grabe ang flu.

Ang mga simtomas ng flu ay ang pagkakaroon ng lagnat, chills o nilalamig, sore throat, sipon, ubo, muscle o body aches, headaches at fatigue.

Layunin ng pamahalaang lungsod na mapangalagaan ang kalusugan ng mga empleyado at maiwasan ang mga sakit na nagdudulot ng pagliban at nakakaapekto sa kanilang job performance.

Ang Nursing Division ng CHO ang siyang nagsasagawa ng nasabing pagbabakuna na taunang ginagawa mula pa noong 2011 (PIO Batangas City)