Allowances ng mga scholars ipinamahagi

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Personal na ipinamahagi nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha ang scholarship allowances ng may 700 EBD scholars ng Talahib Pandayan National High School , Pedro S. Tolentino Memorial National High School sa barangay Ilijan , Pinamucan National High at Tabangao Aplaya National High School.

Ayon kay Mayor Dimacuha, dinadala na nila ang mga allowances upang hindi na mamasahe at mag absent sa kanilang klase ang mga estudyante para kunin ang tseke sa city hall. Inimbitahan na rin ni Mayor ang mga kawani ng Development Bank of the Philippines (DBP) na makasama sa allowance distribution sa mga barangay upang deretso ng ma-encash ang mga tseke.

Sinabi ni mayor na mas pinalawak at pinaalwan ngayon ang proseso ng mga programa ng pamahalaang lungsod kagaya ng scholarship para higit na mas maraming mamamayan ang makinabang. “Ang scholarship ay parang investment, kung saan ang hinihintay namin sa inyo ay mag-aral ng mabuti at kung sakaling maging matagumpay kayo sa buhay ay tumulong sa pamilya at sa barangay,” dagdag pa ni Mayor Dimacuha.

Ang EBD scholarship programa ay sinimulan ni Mayor Eddie Dimacuha noong 2003-2004. Ngayon ito ay may 7,987 high school scholars at mahigit sa 2,700 college scholars na at may budget na P90 milyong piso sa taong ito.

Ipinaalam naman ni Cong. Mariño ang proseso ng scholarshlip program ng Commission on Higher Education na ipinagkakaloob sa mga estudyante sa pamamagitan ng kanyang tanggapan at ang iba pang serbisyong kanyang ipinagkakaloob bilang kongresista. Inilahad din niya ang mga infrastructure projects na magkatulong nilang isinasagawa ni Mayor Dimacuha kagaya ng sinisimulang konstruksyon ng Startoll to Pinamucan Access Road, Batangas City Library at ang Life Transformation Sanctuary na isang drug rehabilitation center sa brgy. Cumba. (PIO Batangas City)