Batangas City PESO kinalala ng DOLE

  PESO1.jpg PESO2.jpg PESO3.jpg PESO4.jpg PESO5.jpg

BATANGAS CITY - Tumanggap ng Certificate of Recognition ang Public Employment Service Office (PESO) Batangas City mula sa Department of Labor and Employment, Region IV Calabarzon- Batangas Provincial Office dahilan sa napanalunan nitong apat sa limang awards na ibinigay ng DOLE para sa Component City Category para sa buwan ng Enero-Hunyo, 2017.

Kabilang sa mga awards kung saan nanguna ang Batangas City PESO ay ang sumusunod: Special Recruitment Activity (SRA) Facilitation kung saan nakakapag deploy ng mga mangagawa sa abroad; Placed Job Applicants During Job Fair; Placed Walk-In Job Applicants sa PESO office; at Labor Market Information to Individuals.

Ayon kay Noel Silang, hepe ng PESO sa lungsod, ang lahat ng aming natanggap na pagkilala ay dahil na rin sa sipag at tiyaga ng buong staff ng aming office. Nagpapasalamat din kami kay Mayor Beverly Dimacuha sa suportang ibinibigay niya sa aming opisina upang matulungan ang mga Batangueño na magkaroon ng trabaho.

Muling magkakaroon ng job fair sa Batangas City Sports Coliseum sa darating na September 30, 2017 at ang lahat ay inaanyayahan. (PIO Batangas City)