Batangas City isa top 3 nominees sa national search for best disaster management council

  CDRRMC1.jpg CDRRMC2.jpg CDRRMC3.jpg CDRRMC4.jpg

Matapos manalo ng first place sa ikatlong pagkakataon ang Batangas City Disaster Risk Reduction and Management Council(CDRRMC) sa Region 1V-A KALASAG award for 2017, napili naman ito bilang isa sa top 3 contenders sa national competition.

Kaugnay nito dumating sa Batangas City ang Validation Committee ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Annual Gawad KALASAG: Search for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management noong ika-5 ng Setyembre.

Ang validation team ay binubuo ng kinatawan ng National Economic and Development Authority (NEDA), Office of Civil Defense (OCD) at PAGASA- Department of Science and Technology (DOST).

Ayon kay Delia Basco, Assistant Wider Services Chief ng PAGASA-DOST, kasama sa top 3 na makakatunggali ng Batangas City ang Santiago City at Malaybalay City.

Ayon kay Basco, binigyang puntos nila ang apat na thematic areas ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) na kinabibilangan ng preparedness, prevention and mitigation, response at rehabilitation and recovery.

Sa isinagawang presentation ni CDRRM Officer Rod Dela Roca sa Annual Accomplishment Report ng council, isang strength na nakita ng validation team ang linkages o magandang koordinasyon ng ibat-ibang komite na bumubuo ng konseho, ang partisipasyon at suporta ng private sector at ang lakas ng volunteerism.

Nakatawag din ng kanilang pansin ang bagong gawang evacuation center ng lungsod. Binigyang puntos din ang “top-down-bottom-up approach” sa disaster management at ang “long-term and creative thinking of leaders.” Ang iba pang binanggit ng validation team ang mahusay na communication at ang stockpiling ng mga commodities.

Ang Gawad KALASAG ay pinakamataas na pagkilala na iginagawad sa isang tao, grupo, samahan, mga institusyon at LGUs na nakapagsagawa ng natatanging kontribusyon sa disaster risk reduction and management at humanitarian assistance sa bansa. Ang KALASAG ay tumatayo sa Kalamidad at Sakuna Labanan,, sariling Galing ang Kaligtasan.

Idinagdag pa ni Basco na may patimpalak man o wala, hangad aniya nila na maituloy ang mga proyekto at programa ng CDRRMC for sustainability. “Ang taong handa sakuna walang panama” aniya.

Ilan sa mga binisita ng validation team ay ang Batangas National Highschool, City Social Welfare Development Office (CSWDO) Warehouse, Evacuation Center, Convention Center at mga coastal barangays.

Nakatakdang isagawa ang awarding sa buwan ng Nobyembre. (PIO Batangas City)