Best Practices ng Batangas City, pinag-aralan ng delegasyon ng Batac, Ilocos Norte

  BatacIlocosNorte1.jpg BatacIlocosNorte2.jpg BatacIlocosNorte3.jpg BatacIlocosNorte4.jpg BatacIlocosNorte5.jpg BatacIlocosNorte6.jpg BatacIlocosNorte7.jpg

Isang delegasyon naman ng 20 department heads at division chiefs mula sa city government ng Batac City, Ilocos Norte ang naglakbay aral sa Batangas City upang malaman ang mga best practices dito partikular sa Information and Technology Division.

Ayon kay Batac City Planning and Development Officer Engr. Noralyn Manahan, nais nilang tularan ang Batangas City sa mga proyekto at programang ipinatutupad nito upang mas mahigit pa nilang mapaunlad ang kanilang syudad. “Our Mayor wants change for development kaya naghanap po kami ng mga lungsod na pwedeng ibenchmark. Napili po namin ang Batangas City na bisitahin dahil sa nakita naming kaunlaran nito,”sabi ni Manahan..

Sa isang maikling orientation program ay ipinaalam ni Atty Dimacuha ang ilan sa mahahalagang impormasyon ukol sa Batangas City. Ipinabatid din niya ang mga ipinagmamalaking programa ng lungsod tulad ng EBD Healthcard program, scholarship, livelihood, social services at iba pa. Binigyang diin niya ang pagkakaroon ng political will kung kayat naging matagumpay ang mga isinagawang pagbabago at inobasyon sa pamahalaang lungsod.

Ipinagmalaki din niya ang business permits and licensing system na dinarayo at kinokopya ng ibat-ibang bayan at lalawigan upang maging higit na maging business-friendly.

Tinalakay ni Business Permits and Licensing Officer (BPLO) Ditas Aguado Rivera ang mga repormang isinagawa sa kanilang opisina upang maging mas efficient at madali ang proseso ng issuance at renewal ng business permit sa pamamagitan ng technical assistance ng USAID. Isa sa mga binanggit niya ang automation bilang isang magandang innovation na ipinatupad sa BPLO.

Ang Batangas City Technology Enterprise, Data Environment at ang Unified Inspection Application naman ang ipinaliwanag ni Information Technology Officer Raymond Sadiwa.

Binanggit naman ni Marizel Hidalgo ng Local Economic and Investment Promotion Officer (LEIPO) kung ano ang role at paano nabuo ang kanilang tanggapan.

Binisita ng delegasyon ang Business- One- Stop- Shop (BOSS), City Health Office at ang IT Division. Ang Batac City ay 5th class agricultural city at binubuo ng 55, 210 populasyon at may kabuuang sukat na 16,101 hectares. Ito ay kilala bilang “Home of Great Leaders”kung saan dito nagmula sina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Gregorio Aglipay. (PIO Batangas City)