Modern dance competition , patalbugan ng mga kabataan sa buong lalawigan

  dance1.jpg dance10.jpg dance11.jpg dance12.jpg dance13.jpg dance14.jpg dance15.jpg dance16.jpg dance17.jpg dance2.jpg dance3.jpg dance4.jpg dance5.jpg dance6.jpg dance7.jpg dance8.jpg dance9.jpg

Ang Pakitang Gilas sa Makabagong Sayaw 2017 ay niluhakan ng may 26 na grupo mula sa lalawigan ng Batangas kung saan ito ay may dalawang kategorya, ang Junior category para sa mga kabataang may edad 12 hanggang 16 na taong gulang at Senior category para sa edad 17 hanggang 21.

Mula sa barangay Poblacion 13 ang nag champion sa parehong kategorya, ang Kidzaokatu sa junior category at Kazaokatu sa senior. Pangalawang pwesto sa junior ang Sentinels dance Troupe ng Golden Gate College, at pangatlo ang Indak Feliciano Performing Arts mula sa Lemery.

Nakuha ng Danzgen Project ng brgy. Malitam ang pangalawang pwesto at pangatlo ang Salute de Familia mula sa San Pascual sa senior category.

Naging hurado sa kumpetisyon ang mga kilala at hinahangaang personalidad sa larangan ng pagsayaw. Sila ay sina Jay De Luna Cambay na higit na kilala bilang J Masta, adviser ng Hip-hop International Philippines at choreographer, trainer at head judge ng World Battle Asia; Festival concert Director at Ballet Philippines Season Production member, National at International Tours, Direk Art Endaya at si Gerald Mercado na isang Stott Pilates Certified instructor for Mat and Reformer. (PIO Batangas City)