- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Liana Rose Barrido, Bb. Lungsod ng Batangas 2017
- Details
- Sunday, 15 January 2017 - 10:57:15 AM
Tinanghal na Bb. Lungsod ng Batangas 2017 si Liana Rose Barrido, 18 taong gulang,at Business Administration student ng Batangas State University.
Ang 5’8” tall na si Barrido ang pinakamatangkad sa mga contestants at nanalo na rin ng iba pang beauty titles kagaya ng pagiging first runner- up sa Ms. Batangas State University 2014, Miss STRASUC 2016 at Miss PASUC third runner-up. Ayon sa kanya, may plano siyang sumali sa mas malaking beauty quest.
“Gagampanan ko ng buong husay sa pamamagitan ng pagiging good role model ang aking papel bilang Bb. Lungsod ng Batangas 2017,” sabi ng pambato ng barangay Kumintang Ibaba. Ang titulong ito ang kanyang definition ng success aniya.
Ayon sa beauty queen na napili rin bilang Best in Swimsuit, bukod sa diet at exercise, naging wide reader din siya upang lumawak ang kaalaman bilang paghahanda sa contest na ito. Isa aniya sa mga bagay na natutunan niya sa pagsali rito ay ang halaga ng pagiging madasalin upang makamtan mo ang iyong inaasam. Nanalong 1st runner up si Vanessa Mae Castillo ng barangay Alangilan, 2nd runner up si Ryenne Sylvienne Kalalo ng barangay Pallocan West, at 3rd runner si Jewel Mae Bawal na sya ring nakakuha ng Best in Batanguena Costume award habang 4th runner up ang kinatawan ng barangay Bilogo na si Cheszelle De Los Reyes.
Tumanggap ng plake at cash prize ang talent scout ni Barrido na si Ariane Gamboa bilang best talent scout. Nagkamit ng Smart Texter’s Choice Award si Arleen Gutierrez ng barangay San Jose Sico. Samantala, naging guest performers sa Pageant Night ang ABS-CBN artists na sina Janella Salvador at Elmo Magalona, ang isa sa mga nagpapakilig at hinahangaang love teams ngayon, Boyband PH na newest sensation at KZ Tandingan, ang X Factor grand prize winner at tunay na nakaaaliw bilang isang magaling na singer.
Itinampok din dito ang mga local talents ng lungsod kagaya ng grupong Indak Bambino ng Casa Del Bambino Emmanuel Montessori, Danztek at BSU Dance Company.
Nagpakitang gilas naman ang The Voice Kids qualifier mula sa Jose Pastor Memorial Elementary School na si Alfred Baja at The Voice Kids finalist mula sa Royal Orchid Academy of the Philippines na si Luke Alford.
Ipinalabas din sa naturang okasyon ang audio visual presentation hinggil sa mga karangalang natamo ng lungsod. Ito ay may titulong “Wagi ang Batangas City”. ( PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.