Cheszelle Delos Reyes, Ms Talent sa Bb Lungsod ng Batangas Pre-pageant contest

  Pageant1.jpg Pageant10.jpg Pageant11.jpg Pageant12.jpg Pageant13.jpg Pageant14.jpg Pageant15.jpg Pageant16.jpg Pageant17.jpg Pageant18.jpg Pageant19.jpg Pageant2.jpg Pageant20.jpg Pageant3.jpg Pageant4.jpg Pageant5.jpg Pageant6.jpg Pageant7.jpg Pageant8.jpg Pageant9.jpg Parade1.jpg Parade10.jpg Parade11.jpg Parade12.jpg Parade13.jpg Parade14.jpg Parade15.jpg Parade16.jpg Parade17.jpg Parade18.jpg Parade19.jpg Parade2.jpg Parade20.jpg Parade3.jpg Parade4.jpg Parade5.jpg Parade6.jpg Parade7.jpg Parade8.jpg Parade9.jpg

Isang 20 year old Senior Tourism student ang tinanghal na Ms. Talent sa Talent Competition ng Bb. Lungsod ng Batangas 2017 dahilan sa kanyang mahusay na performance ng Philippine folk dances.

Siya ay si Cheszelle M. Delos Reyes ng Barangay Bilogo at estudyante ng Lyceum of the Philippines University - Batangas.

Ayon sa kanya, siya ay "honored" na maibahagi ang kanyang talento sa pagsasayaw. Bagamat siya ay myembro ng Lahing Batangan Dance Troupe ng LPU, ito aniya ang unang pagkakataon na maiperform niya ang naturang bilang.

"Idinededicate ko kay Lord ang aking ginawang performance dahil Siya ang nagbigay ng talent sa akin" sabi ni Delos Reyes.

Makikita sa huling bahagi ng kanyang production number ang dala-dala niyang Sto Nino na siyang naging pinakamagandang bahagi ng sayaw.

Si Delos Reyes din ang nagwaging Ms Photogenic. Nagpakitang gilas din ang ibang kandidata sa ballroom, contemporary, interpretative at modern dances habang ang iba ay kumanta.

Napili namang Ms Friendship si Joan Rapada ng barangay Ilijan at nanalong Ms 2Go Travel si Kezia Margarette Bolanos na nagkamit ng dalawang roundtrip tickets with tourist accommodation sa anumang tourist destination sa bansa kung saan may byahe ang 2Go.

Tinanghal na Bb Lungsod ng Batangas Charity si Arleen Gutierrez ng San Jose Sico dahilan sa siya ang may pinakamaraming tiket na naibenta para sa Talent Show.

Ayon kay Cultural Affairs Committee Vice-Chairman Eduardo Borbon, P 140,000 ang kabuuang halagang nalikom sa naturang kompetisyon na ipagkakaloob sa Cancer Warriors Foundation na kumakalinga sa mga batang may cancer sa lungsod.

Nagwaging Ms Dzayrable Skin at Bb Makakalikasan si Jewel Mae Bawal ng barangay Sta Rita sa Question and Answer hinggil sa kapaligiran dahilan sa kanyang awareness sa mga environmental programs at projects na isinusulong ng lokal na pamahalaan. (PIO Batangas City)