TINGNI:Pamumunuan ni Batangas City Police Station OIC PLT. COL. Dwight Fonte Jr. ang Incident Management Team (IMT)

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

TINGNI: Pamumunuan ni Batangas City Police Station OIC PLT. COL. Dwight Fonte Jr. ang Incident Management Team (IMT) sa isasagawang Sto. Niño ng Batangan Fluvial Procession sa ika-7 ng Enero.

Ito ang highlight ng selebrasyon ng Kapistahan ng lungsod bilang pagpupugay ng mga Batangueno sa Mahal na Patrong Sto Nino.
Kaugnay nito, isang pagpupulong ang isinagawa ngayong araw na dinaluhan ng mga konsernadong tanggapan ng pamahalaang lungsod at mga ahensya ng gobyerno.
Layunin nito na masiguro ang kaayusan ng nabanggit na gawain at masiguro ang kaligtasan ng mga lalahok dito.
Isang motorcade mula sa Basilica ng Inmaculada Conception patungong barangay Wawa ang isasagawa sa ganap na 3:30 ng hapon.
Mula dito ay magsisimula ang fluvial procession na lalahukan ng mga deboto ng Sto Nino.
Ito ay magtatapos sa Calumpang River sa bahagi ng barangay Pallocan West.
Kasunod nito ay ang prusisyon sa mga pangunahing lansangan sa poblacion patungo sa simbahan upang idaos ang novena mass.
Ang IMT ay binubuo ng PNP, PCG, PRC, CDRRMO, BFP, CHO, DSS, TDRO at PIO.
Samantala, ipinahayag ni Col Fonte na “generally peaceful” ang naging pagdiriwang Pasko at Bagong Taon sa lungsod.
Wala aniyang naiulat na nagpaputok ng baril o tinamaan ng ligaw na bala, walang sunog, fire crackers related incidents at iba pang untoward incidents. (PIO Batangas City)