TINGNI: Pinangunahan ni Mayor Beverley Dimacuha ang paglulunsad at ang ribbon cutting ceremony ng DILG Batangas City Sub- Local Governance Resource Center-LGRC

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

TINGNI: Pinangunahan ni Mayor Beverley Dimacuha ang paglulunsad at ang ribbon cutting ceremony ng DILG Batangas City Sub- Local Governance Resource Center (LGRC) sa ikatlong palapag ng Batangas City Library and Information Center noong December 21.

Ayon kay DILG City Director Esther Dator, ito ay magsisilbing “dynamic center of learning, a multi-media program for knowledge- sharing on local government at repository of knowledge product on local governance”.

Ito ay maglalaman ng mga reading materials na may impormasyon tungkol sa paraan ng pangangasiwa ng lokal na pamahalaan para sa kabatiran ng publiko.
Kaugnay nito, lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang pamahalaang lungsod ng Batangas at ang Department of Interior and Local Government (DILG) hinggil sa pangangasiwa ng naturang pasilidad.

Ang paglagda ay ginampanan nina Mayor Beverley Dimacuha at ni DILG Provincial Director Abigail Andres.

Nakiisa sa naturang okasyon sina City Administrator Engr Januario Godoy at ang mga Department Heads ng pamahalaang lungsod. (PIO Batangas City)