Simbang Gabi Christmas Show, itinatanghal sa Plaza Mabini

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Gabi-gabing pagtatanghal ang isinasagawa sa Amphitheater ng Plaza Mabini tampok ang mga Batangueno artists bilang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa lungsod.
Ito ay nagsimula noong December 15 at tatagal hanggang December 23 tuwing 5:30 hanggang 6:30 ng gabi upang bigyang daan ang ikalawang misa ng Simbang Gabi sa Basilica ng Inmaculada Conception.

Kabilang sa mga nagtanghal sa unang apat na gabi ang mga mag-aaral ng Lyceum of the Philippines (LPU) University Batangas, Catharsis Band, Sinag ng Kalinangan Music Ensemble at Batangas State University (BSU).

Nakatakda namang mag perform mamayang gabi ang mga mag-aaral mula sa University of Batangas (UB) at sa mga susunod na gabi ay ang CUERDAS, Plaza Zumba group, 5:30 Band at ang Special Program for the Arts ng BANAHIS.

Samantala, patuloy pa ring dinudumog ng mga Batangueño ang Magkatuwang Tayo Farmer’s Market sa Plaza Mabini na may 31 food stalls.
Mabibili dito ang iba’t ibang kakanin, mga finger food, ice cream at iba pa.

Mananatili ang farmer’s market hanggang sa pagdiriwang ng Kapistahan ng lungsod sa Enero. (