TINGNI: Personal na tinanggap ni Mayor Beverley Dimacuha ang Gawad KALASAG Seal of Excellence para sa lungsod ng Batangas

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Personal na tinanggap ni Mayor Beverley Dimacuha ang Gawad KALASAG Seal of Excellence para sa lungsod ng Batangas sa awarding ceremony na ginanap ngayong araw sa Manila Hotel.

Kaugnay ito ng nakamit na Beyond Compliant rating ng lungsod sa kategorya ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) para sa taong 2022.

Lubos ang pasasalamat ni Mayor Dimacuha na tumatayong CDRRMC Chairperson sa tulong at suportang ipinagkaloob ng mga tanggapan, ahensya, institusyon at mga samahan upang makamit ang naturang parangal. (PIO Batangas City)