TINGNI: Nagbuo ng Incident Management Team (IMT) ang pamahalaang lungsod

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

TINGNI: Nagbuo ng Incident Management Team (IMT) ang pamahalaang lungsod upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa pagdating ni Papal Nuncio to the Philippines na si Most Reverend Charles John Brown, DD sa ika-8 ng Disyembre.
Ang kanyang pagbisita ay kaugnay ng isasagawang Canonical Coronation (CanCor) ng imahen ng Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion sa Minor Basilica of the Parish of the Immaculate Conception & Archdiocesan Shrine of Sto. Niño ng Batangan.
Magkakaroon ng re-routing para sa mga pribado at pampublikong sasakyan simula alas-dos ng hapon.
Namahagi din ng mga stickers sa mga may sasakyan para sa kaukulang parking spaces na kanilang paparadahan.
Ipaparada ang karosa ng Mahal na Birhen mula barangay Kumintang Ibaba patungong simbahan sa ikalawa ng hapon bago isagawa ang banal na misa sa ganap na ikaapat ng hapon at kaagad susundan ng prusisyon.
Ang IMT ay binubuo ng PNP, CDRRMO, Bureau of Fire, CHO, DSS at TDRO. (PIO Batangas City)