MuSIKAT grandfinals, isinagawa

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Isinagawa ang huling pagtutuos ng mga MuSIKAT grandfinalists noong December 10 sa Batangas City Coliseum.
Tinanghal na pinakamahusay na vocalist si Mark Jayson Daanoy ng barangay Banaba West, pinakamahusay na guitarist si Oscar Panaligan ng barangay Mahabang Parang, pinakamahusay na bassist si Marvin Calingasan ng barangay Cuta Duluha-, pinakamahusay na drummer si Ralph Ronel Macatangay ng barangay Paharang West at pinakamahusay na keyboardist si Harvey Miguel Arce ng barangay Kumintang Ibaba.

Bawat isa ay tumanggap ng P 100,000 na cash prize.
Ang nasabing patimpalak ay proyekto ni Congressman Marvey Marino na naglalayong tumuklas ng mga residente ng lungsod na may angking talento sa musika.
Sila ang magiging kinatawan ng Batangas City sa mga regional o national competitions sa larangan ng musika.

Ayon kay Cong Marino, walang tulak-kabigin sa galing at husay sa pag tugtog at pag awit ng mga contestants sa naturang kompetisyon.
Magugunita na dumaan sa matinding elimination at pagsasanay ang mga kalahok sa ibat-ibang kategorya.
Mula sa 100 hopefuls, tatlong grupo na binubuo ng 5 myembro ang umabot sa grand finals.
Lubos din ang paghanga ng mga resident judges na sina vocalist Cooky Chua at songwriter/guitarist Mike Villegas, kapwa mula sa bandang Color It Red; Composer at Musical Director Mel Villena at ni Drum Hero Grand Winner Eat Bulaga Joaquin Rodrigo sa mga nagwagi.
Nagpaabot ng pasasalamat si Cong. Marvey sa suporta ng pamahalaang lungsod sa nabanggit na programa.
Pagkatapos ng kompetisyon ay itinampok ang mini-concert ng sikat na singer na Gigi de Lana kasama ang kanyang bandang The Gigi Vibes na labis na kinagiliwan ng mga manonood.
(