System Partnership ng pamahalaang lungsod a CSOs, higit na papalakasin

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Higit na palalakasin at paiigtingin ang pagtutuwang ng lokal na pamahalaan at ng mga accredited Civil Society Organizations (CSOs) sa lungsod upang mas makatugon sa mga pangangailangan, makapagbigay ng mas transparent at may pananagutang lokal na pamamahala.
Ito ang layunin ng isinagawang Consultation on the Development of a System of Partnership ng pamahalaang lungsod at ng United States Agency for International Development (USAID) kamakailan.
Hangad din nito na makapaghatid ng mas epektibong serbisyo at higit na mapalakas ang kakayahan at kooperasyon ng mga mamamayan sa proseso ng pamamahala ng gobyerno.
Sa naturang consultation, ipinabatid ni Sangguniang Panglungsod (SP) Secretary, Atty. Olive Telegatos na taong 2016 ay may ordinansa na ang lungsod hinggil sa system partnership ng city government at non- government organizations.
Sa kasalukuyan, may 59 accredited at 4 na recognized CSOs sa lungsod.
Naging bahagi ng consultation meeting ang workshop ng mga participants ukol sa nilalaman ng ordinansa ng lungsod at mga mungkahi para higit na mapalakas ang system partnership ng lokal na pamahalaan at CSOs.
Nakiisa din sa nasabing okasyon ang Chairman ng Committee on Accreditation ng SP na si Coun. Nelson Chavez at isa sa mga myembro nito na si Coun. Mando Lazarte.
Tinalakay din dito ang kahalagahan ng chairing/co-chairing sa local special bodies, SP Committees at technical working groups.
Ang naturang gawain ay pinangasiwaan ng City Planning and Development Office (CPDO), at ito ay sa ilalim ng Cities for Enhanced Governance and Engagement (CHANGE) project ng USAID.
Ang pagtitipon ay dinaluhan ng may 20 CSOs, department heads at mga kinatawan mula sa konsernadong tanggapan ng pamahalaang lungsod. (PIO Batangas City)