Elderly Week, ipinagdiwang sa Batangas City

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 4.jpg 40.jpg 41.jpg 42.jpg 43.jpg 44.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

May 10 centenaries sa lungsod o yaong edad 100 pataas ang binigyan ng pagkilala ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa virtual program na isinagawa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) noong October 11 bilang pagdiriwang ng 2021 Elderly Week.

Ang mga ito ay sina Rosela Cortez, (104 taon) ng barangay Sta Rita Aplaya, Lorenza De Guzman, (104 taon) ng Cuta, Macaria Mandigma, (102 taon), mula sa Tingga Labac, Cresencio Galicia (102), ng Mabacong, Liwanag Atienza, (102), Barangay 11, Ma. Belen Caedo, (101), Barangay 3, Belen Maligalig, (101) ng Barangay 8, Lucio Dimaano, (101) ng Kumintang Ilaya, Leonarda Aya (101) ng Calicanto at Eugenia Abela, (101) ng Talahib Pandayan. Pinarangalan din ang anim na centenarians (100 taon) sa lungsod na sina Epitacia Pentino ng barangay San Isidro, Selvina Aclan mula sa San Pedro, Regina Javier ng barangay Ilijan, Agripina Amul mula sa Banaba South, Rosita Sadiangcolor ng Paharang West at Reynalda Dilag ng Balete.

Sila ay makakatanggap ng financial assistance at iba pang benepisyo kabilang ang assistive physical devices, medical assistance at food assistance mula sa lokal na pamahalaan bukod pa sa P100,000.00 cash gift mula sa national government.

Tema ng selebrasyon ay “ Mahalaga si Lolo at Lola Ngayong Pandemya”. Itinakda ng batas ang unang linggo ng Oktubre ng bawat taon bilang Linggo ng Katandaang Pilipino (Elderly Week) kung saan binibigyan ng pagpapahalaga ang mga pangunahing mamamayan.

Sa mensaheng ipinaabot ni Mayor Beverley Dimacuha, sinabi niya na malaki ang naitutulong ng mga senior citizen sa iba’t-ibang larangan, mapa-ekonomiya man o paghubog ng pag-uugali at maging sa pananampalataya. Binigyang diin din niya na hindi matatawaran ang serbisyo at tagumpay na kanilang naiambag sa komunidad.

“Ito ang araw ng pagbibigay-respeto sa mga senior citizen dahil kung wala kayo wala din ako. Malaki ang pagmamahal ko sa inyo dahil kayo ang nangangaral sa amin at pumupuna sa maling nagawa, kaya malapit ang loob ko sa inyong mga senior citizen”sabi ni Mayor. Idinagdag pa rin niya na magkatuwang sila ni Congressman Marvey Marino sa pagpapatupad ng mga programa na tumutugon sa pangangailangan at nangangalaga sa kapakanan ng mga pangunahing mamayan lalot higit ngayong panahon ng pandemya.

Ayon naman kay City Council for the Elderly President Vilma Dimacuha, hangad niya ang kaligtasan ng lahat ng mga senior citizens kung kayat hinikayat niya ang mga hindi pa nakakatanggap ng COVID-19 vaccine na magpabakuna at sumunod sa health at safety protocols kontra COVID na ipinatutupad ng pamahalaang lungsod.

Nagbigay ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mental health awareness ang psychologist na si Maria Teresa Blanco, upang malampasan ang mga challenges na maaring maranasan ng mga seniors citizen sa panahon ng pandemya. Tampok din sa virtual celebration ang paligsahan sa pagtula kung saan may apat na senior citizens ang lumahok.

Tinanghal na kampeon si Lola Dulce Acuna ng Conde Labac, na tatanggap ng premyong P10,000 cash, 1st place si Severina Coloma ng Libjo na mananalo ng P7,000 cash, 2nd si Lucila Leycano ng Ilijan, na makakapag-uwi ng P5,000 cash at 3rd si Teresita Roldan ng Barangay 6 na tatanggap ng P 3,000 cash prize. Katuwang ng CSWDO ang Office of the Senior Citizens Association (OSCA) at ang City Council for the Elderly (CCE) sa pangangasiwa ng nasabing pagdiriwang. (PIO Batangas City).