Voter registration, pinalawig

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Pinalawig pa ang voter registration sa bansa mula October 11 hanggang 30 matapos aprubahan ng Commission on Elections (COMELEC) en banc ang resolusyon hinggil sa extension nito noong ika-29 ng Setyembre.

Layunin ng nasabing hakbang na mabigyan pa ng pagkakataon ang mga mamamayan na makapagparehistro upang magkaroon ng pagkakataon na makaboto sa susunod na halalan.

Ayon sa resolusyon, ang voter registration ay mula Lunes hanggang Byernes maliban sa October 30, mula ikawalo hanggang ikalima ng hapon.

Ayon kay Batangas City Election Officer Gene Barte, hihingi muli sila ng pahintulot sa pamunuan ng SM City Batangas upang dito idaos ang pagrerehistro. Inaasahan aniya nila na nasa 3000 katao pa ang magpaparehistro ngayong extension period. Prayoridad aniya nila ang kaligtasan ng kanilang mga kliyente kung kayat napili nila ang nasabing lugar na mas accessible at convenient at mahigpit ang isinasagawang pagpapatupad ng mga health at safety protocols.

Bukod sa pagpaparehistro at reactivation, maaari ding magpatransfer ng voting precinct o magpatala sa ibang lugar. Maaari ding dumulog ang mga may correction of entries at mga nagnanais magpabago ng status. Maaari na ding magparehistro ang mga kabataang 17 taong gulang sa ngayon at magiging 18 taong gulang sa May 9, 2022. Kinakailangang magdala ng valid identification card o ID na ang address ay sa Batangas City at birth certificate para sa alinmang transaksyon.

May 23,415 aplikante na ang nakapagparehistro na sa COMELEC simula noong January 11, 2020 hanggang September 29, 2021. Samantala, ang filing ng candidacy ay October 1-8, ang election period ay January 9 hanggang June 8 habang ang local at national elections naman ay nakatakda sa May 9, 2022. Ang pagrerehistro ay bukas mula ikawalo hanggang ikapito ng gabi ngayong araw, September 30 at 500 katao ang nakatakda nilang ipoproseso. (PIO Batangas City)