Outstanding Nutrition Scholar ng lungsod, wagi sa regional search

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Nagwagi ng ikalawang pwesto sa Regional Search ng Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) - CALABARZON Region ang BNS ng barangay Balete na si Noriemi Macatangay. Si Macatangay ang Outstanding BNS ng lungsod na syang kinatawan ng Batangas City sa nasabing patimpalak.

Nakakuha siya ng average score na 92.1% mula sa isinagawang Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI)-PRO ng Regional Nutrition Evaluation Team (RNET) para sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS), Local Nutrition Action Officer and Local Nutrition Program Coordinators noong August at September.

Bukod dito, sumailalim din siya sa panel interview at written examination ng RNET. Labis ang kasiyahan ni City Nutrition Officer Eva Mercado sa pagkakapanalo ni Macatangay dahil mahigpit aniya ang proseso sa pagpili ng regional winners.

“Karangalan ang magwagi dito, masaya kami para kay Noriemi at nagpapasalamat kami kay Mayor Dimacuha sa lahat ng kanyang ibinigay na suporta,” sabi ni Mercado.

Sasailalim rin sa online evaluation ng documents ng RNET ang barangay Balete na siyang Outstanding Barangay Nutritrion Committee sa lungsod simula October 21. Ang Regional Nutrition Awarding Ceremony (RNAC) ay nakatakdang ganapin sa buwan ng Disyembre, (PIO Batangas City)