Routine vaccinations, patuloy na isinasagawa ng CHO

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Tuloy tuloy ang pagsasagawa ng routine vaccinations ng City Health Office (CHO) para sa mga bagong silang na sanggol hanggang sa isang taong gulang na mga bata sa lungsod kahit ngayong panahon ng pandemya sa layuning mapangalagaan ang kalusugan ng mga ito at maiwasan ang pagkakaroon ng mga nakakahawang sakit.

Kabilang sa mga bakunang ipinagkakaloob ay ang BCG at Hepa B para sa mga newborn, tatlong dose ng Pentavalent (Diphtheria, Pertussis, Tetanus, Hepa B at Haemophilus Influenza), tatlong dose ng oral polio vaccine at dalawang dose ng measles vaccine para sa 9 months hanggang isang taong gulang na bata.

Isinasagawa ang pagbabakuna sa mga barangay health centers kung saan ini-skedyul ito ng mga midwife at barangay health workers upang maiwasan ang pagkasabay sabay. Nakikipag-ugnayan ang mga health workers sa mga magulang upang matiyak na madadala sa health center ang mga sanggol/bata sa itinakdang araw ng pagbabakuna.

Mahigpit na ipinatutupad ang mga safety at health protocol sa mga center upang masigurong ligtas ang lahat sa COVID19.

Binigyang diin ni Cel Garcia, Nurse II National Immunization Program Coordinator ng CHO na de kalidad ang bakuna na ibinibigay sa immunization program ng pamahalaang lungsod. Hinikayat niya mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak bilang proteksyon sa mga sakit. (PIO Batangas City)