LOOK: Rain or Shine, tuloy ang monitoring ng EBDMT

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Kahit umuulan ay patuloy ang EBDMT monitoring team at task force sa pagbibisita sa mga business establishments, bumibyaheng bus at mga barangay sa lungsod para tiyaking sumusunod pa rin ang mga ito sa mga safety and health protocol, at mga ordinansa ng lungsod kontra COVID 19.

Pinuntahan ng monitoring team at task force ang mga establisimyento at shopping malls kung saan bukod sa mga health protocol ay nagsagawa rin sila ng random checking ng quarantine pass (QP). Pinaalalahanan nila ang mga security guards ng business establishments na ugaliing i-check ang QP, APOR at company IDs ng mga pumapasok sa establisimyento.

Dapat rin anila ay nakalagay sa QP ang pangalan ng mga kabataang may edad 15 pataas at mga senior citizen na 60-65 taong gulang para sila ay payagang makalabas ng bahay Bumisita rin ang grupo sa Batangas City Grand Terminal.

Sinita ng task force ang pasaway na residente sa mga barangay tulad ng mga walang suot ng face mask sa labas ng bahay. Nag issue sila ng violation ticket para sa mga residenteng ilang ulit ng sinita sa kaparehong paglabag. (PIO Batangas City)

Nakapaloob naman sa Philippine Clean Water Act of 2004 na ipinagbabawal ang pag discharge ng mga pollutants sa karagatan, ilog at iba pa. (PIO Batangas City)