Mag-aaral sa unang baitang sa mga pampublikong paaralan, tatanggap ng libreng birth certificates

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

May 3,344 grade one students sa mga public elementary schools sa Batangas City ang pagkakalooban ng libreng birth certificates ng Civil Registrar’s Office (CRO) sa ilalim ng programang Oplan Kamalayan. Layunin ng nasabing programa na nasa ikalabing walong taon na ng implementasyon na matulungan ang mga pamilyang walang kakayahang pinansyal na mkakuha ng naturang dokumento at mabigyan ng kaalwanan ang mga magulang na nakatira sa malalayong barangay. Hangad din ng tanggapan ng Tagatalang Sibil na mapalawak ang kamalayan ng mga magulang sa kahalagahan ng pagpapatala ng kapanganakan ng kanilang mga anak.

Ang nasabing birth certificates ay itinurn over kay Schools Supt. Dr. Zaldy Bolanos ng SDO Batangas City upang maipamahagi sa mga magulang.

Nagpaabot ng taos pusong pasasalamat si Dr. Bolanos sa CRO at sa pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng ng libreng birth certificates na malaki ang maitutulong upang malaman ang tamang impormasyon sa kanilang mga enrollees. (PIO Batangas City)