Ikalawang mobile passporting isinagawa sa Batangas City

1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

BATANGAS CITY-Sa ikalawang beses ngayong taon, nakinabang ang mga taga Batangas City sa Mobile Passport Service na ginanap kahapon, October 3, bilang handog nila Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Mariño sa kanilang constituents sa pagdiriwang ng kanilang kaarawan.

May 996 na aplikante ang naaprubahan ang passport sa proyektong ito na ginanap sa Sports Coliseum sa pangangasiwa ng City Civil Registrar’s Office CCRO) at pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA). Sa 1,488 na na encode ng DFA ang application, 1,052 ang naproseso, 56 ang na reject at 436 applicants ang hindi nakarating.

Ayon kay Josie Maranan, hepe ng CRO, malaking tulong ang proyektong ito dahil maraming Batangueño ang nagnanais mangibang bansa para magtrabaho, mag-aral o kaya’y mamasyal. “Nasa 1,600 ang quota ng aplikante sa mobile passporting na ibinigay ng DFA para sa taga lungsod.

Ayon naman sa DFA, may mga aplikante na hindi nakatanggap ng email buhat sa kanilang ahensya dahilan sa hindi active ang kanilang email o may mali sa pag fill up ng kanilang application form.

Isa sa nakinabang sa proyektong ito ay si Jocelyn Nanit ng Velasquez Road Sta Rita. Aniya, inabangan niya ang proyektong ito dahil mas madaling kumuha ng pasaporte dito. “Mahirap makakuha ng online appointment bukod dito hindi na ako luluwas pa ng DFA Manila.” Ang mga naprosesong pasaporte ay ipadadala sa kani-kanilang tahanan sa pamamagitan ng LBC bago mag Oktubre 15.

Dalawang passport van on wheels ng DFA ang dumating at naging mabilis at maayos naman ang naging proseso ng passporting. LIZA PEREZ DE LOS REYES/PIO Batangas City