Training sa pagpapalakas ng local anti-drug abuse councils isinagawa

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagkaroon ng dalawang araw na Roll-out Training on Strengthening Anti-drug Abuse Councils sa Lima Park Hotel sa Lima Technology Center sa Malvar, Batangas noong ika-20 hanggang ika-21 ng Setyembre sa pagtataguyod ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay DILG Provincial Director Adelma Mauleon, ang naturang pagsasanay ay kaugnay ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaang nasyunal laban sa ilegal na droga.

Layunin nito na mapalakas ang kapasidad ng mga local Anti-Drug Abuse Councila sa coordination at monitoring ng mga drug-related incidents at mabigyan ng sapat na kasanayan ang mga Local Government Unit focal persons at DILG field officers hinggil sa Integrated Drug Monitoring and Reporting System (IDMRS).

Sa pamamagitan ng IDMRS, malalaman ang lahat ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga surrenderers at ma-eevaluate kung naipagkaloob ng pamahalaan ang assistance na nararapat para sa mga ito.

Ito ay dinaluhan ng mga DILG city and municipal officers at focal persons ng ADAC ng ibat-ibang bayan at lungsod sa probinsiya ng Batangas.

Ipinabatid din na magkakaroon ng audit sa naging actual performance ng mga City at Municipal ADAC noong 2017.

Kabilang sa Five Pillars of Action na pagbabasihan ng performance audit ng mga ADAC ay ang drug supply reduction, drug demand reduction, alternative development, civic awareness and responses at regional and national cooperation.

Hiniling ni PD Mauleon sa mga myembro ng Barangay ADAC na syang frontliners sa pagtugon sa problema sa droga na maging masigasig sa kanilang tungkulin sa pagsugpo sa illegal drugs. (PIO Batangas City)