Iba’t ibang sektor lumahok sa International Coastal Clean-up

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nakiisa ang lungsod ng Batangas sa isinagawang International Coastal Clean-Up noong September 22, na pinangunahan ng National Youth Commission (NYC) at City Environment and Natural Resources Office (CENRO) katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Ito ay may temang “Building a Clean Swell for Future Generations.”

Layunin nito na linisin ang mga dalampasigan at karagatan, at mahikayat ang mga mamayan na iwasan ang pagtatapon ng anumang uri ng basura sa mga baybayin, dagat, ilog, sapa at iba pa. Gayundin ay maitaas amg kamalayan ng mga mamamayan sa pangangalaga ng kalikasan.

Naging prayoridad na linisin sa lungsod ay ang baybayin at karagatan sa barangay Cuta, Wawa at Malitam, kung saan pinangunahan ng mga barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials ang paglilinis dito. Nakatulong nila ang mga empleyado at volunteers ng NYC, mga kawani ng pamahalaang lungsod, mga estudyante, ROTC students at senior officers at mga civic organizations.

Nakiisa rin ang mga malalaking industriya sa lungsod kagaya ng Pilipinas Shell na naglinis sa kanilang nasasakop na baybaying dagat at paligid ng kanilang planta. Nakatulong nila dito ang Rotary Club of Batangas.

Ang iba namang commercial establishments, mga institusyon at organisasyon ay nagsagawa ng paglilinis sa loob at paligid ng kanilang establisimento.

Ang mga residente ng mga barangay sa Poblacion ay naglinis ng mga kanal at estero. (PIO Batangas City)