- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City naghanda sa bagyong “Ompong”
- Details
- Friday, 14 September 2018 - 6:30:19 PM
Nagpulong ang Batangas City Response Committee ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) tungkol sa Pre-Disaster Risk Assessment noong September 12 bilang paghahanda sa pagdating ng malakas ng bagyong “Ompong”.
Ayon sa hepe ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (C DRRMO) na si Rod de la Roca, katulong nila ang City Engineer’s Office at ang Department of Public Works and Highways (DPWH ) sa clearing ng mga drainage at canal upang maibsan ang pagbaha.
Nagsasagawa rin ng road inspection ang DPWH at mayroon ding mga dumptrucks, payloader na pwedeng gamitin; naka standby din ang kanilang mga personnel.
Inihahanda na ng CDRMMCO ang mga equipment habang sineguro naman ng General Services Department (GSD) na handa ang mga sasakyang pwedeng gamitin. Mayroon ding payloader, backhoe, dump trucks, man lifter at iba pang logistics. Maging mga drivers ay handa na rin. Ang CEO ay may backhoe, loader,powersaw, operators at iba pang manpower.
Ayon kay City Social Welfare and Development Officer Mila Española, naka preposition na ang mga pagkain kagaya ng bigas, canned goods, sabon, banig at iba pang mga pangangailangan.
Ang City Health Office (CHO) ay handa na sa mga gamot, ambulance at may dalawang teams na naka standby habang ang Red Cross ay may dalawang ambulances, trucks na pwedeng gamitin para sa evacuees at isang rescue boat.
Ang Bureau of Fire Protection ay handa 24/7 habang ang Philippine Coast Guard ay may pwedeng i deploy na response group kagaya ng divers, medical team; may ambulance, rubber at aluminium boats, at K9 para sa security. Ang PNP Maritime Group ay may rubber boats, trained boat handlers at nagsasagawa ng close monitoring ng mga gustong magbiyaheng banca.
Ang Defense and Security Services ay handa upang i secure ang mga city government facilities at ang evacuation center.
Ayon naman sa Office of the City Veterinary and Agricultural Services , nabigyan na nila ng babala sa bagyo ang mga magsasaka at mangingisda upang makapaghanda at magbibigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng bagyo.
Sinabi naman ng Dep Ed na pabubuksan nila ang mga paaralang gagamitin bilang evacuation centers habang ang TDRO ay nakahanda sa pangangasiwa ng trapiko. Sinabi naman ng Meralco na may naka assigned silang personnel sa kanilang business center na handang tumugon sa anumang tawag hinggil sa problema sa kuryente. Dahil sa dami ng mga callers nila, pwede silang ma contact sa kanilang Meralco online para sa mga kailangang tulong, reklamo at iba pa.
Ayon kay de la Roca, mayroong halos 4,000 evacuees ang ililikas kung lalakas pa ang bagyo sa lungsod.
Kung kinakailangan, agad bubuuin ang Incident Command System na pamumunuan ng hep eng Batangas City Police. Magsisilbing operation center ang CDRRMO sa Bolbok. (PIO Batangas City)
Latest News
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
- Nasa 51.5% ng mga kabataan sa lungsod ang aktibong nakikilahok sa mga cultural activities sa Batangas City
- May 150 pamilya sa lungsod ang nagtapos bilang benepisyaryo ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), September 11
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.