Error
  • JFolder: :files: Path is not a folder. Path: /home/batangas/public_html/web/images/News/2024/September/012/a/

Nasa 51.5% ng mga kabataan sa lungsod ang aktibong nakikilahok sa mga cultural activities sa Batangas City

 

TINGNI: Nasa 51.5% ng mga kabataan sa lungsod ang aktibong nakikilahok sa mga cultural activities sa Batangas City.
Ito ang resulta ng isinagawang survey na isinagawa ng Digital Democracy Technical Working Group (TWG) ng pamahalaang lungsod sa closing assembly ng Digital Democracy Initiative ngayong araw.

Ang survey na Awareness and Engagement of Youth Leaders in Batangas City's Cultural Activities ay isinagawa upang sukatin ang antas ng partisipasyon ng kabataan sa naturang larangan.

Hangad nito na higit na mapalakas ang partisipasyon ng mga kabataan sa pagpapaunlad ng sining at kultura sa lungsod.
Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng boses at pagkakataong makibahagi ang mga kabataan sa mga cultural activities.
Nakolekta ang mga sagot gamit ang google forms mula sa 1,266 youth leaders na 19-22 taong gulang.

Ang resulta ng survey ay iprinesenta ni Jaika Almira Agena ng Social Innovation Research Center (SIRC) ng Batangas State University -TNEU.
Binigyang diin ni Mayor Beverley Dimacuha sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng pagkakaisa at partisipasyon ng mga kabataan sa pagkakaroon ng mas inklusibong kinabukasan.

Tampok din sa nabanggit na okasyon ang pag-iisyu ng Executive Order ni Mayor Dimacuha para sa Youth Cultural Awareness and Participation Committee na nasa ilalim ng Cultural Affairs Committee (CAC) .

Katuwang ng lokal na pamahalaan sa implementasyon ng Digital Democracy Initiative ang Makati Business Club (MBC) at ang United States Agency for International Development (USAID). (PIO Batangas City) Makati Business Club, Inc.

#BatangasCityDigitalDemocracy #MBCDigitalDemocracy #PalakatBatangasCity #PIOBatsCity #EtoBatangueñoDisiplinado #MagkatuwangTayo #EBDmagkatuwangtayo