Halos 2,000 katao lumahok sa Alay lakad 2018

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 35.jpg 36.jpg 37.jpg 38.jpg 39.jpg 4.jpg 40.jpg 41.jpg 42.jpg 43.jpg 44.jpg 45.jpg 46.jpg 47.jpg 48.jpg 49.jpg 5.jpg 50.jpg 51.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY-Bagamat Typhoon Signal no. 1 sa Batangas City bunga ng malakas na bagyong si Ompong, natuloy ang Alay Lakad ngayong araw na ito, September 14, kung saan halos 2,000 katao ang lumahok at nakalikom ng halagang P814,770.

Mula sa Laurel Park na siyang assembly point, ganap na 6:30 ng umaga ng maglakad ang mga city government employees, barangay officials, mga kinatawan ng Batangas City Police, Phil. Coast Guard, Department of Education, business establishments, non-government organizations, mga estudyante at iba pang sektor.

Tumuloy siia sa Sports Coliseum kung saan isang programa ang ginanap.

Naging panauhin si Gov. Hermilando Mandanas kung saan binati niya ang Batangas City dahilan sa nangunguna ito sa pagpapaaral ng mga kabataang karapatdapat subalit walang kakayahang gastusan ang kanilang pag-aaral.. “Binabati ko ang city government dahil sa binibigyang diin nito ang kinabukasan ng mga kabataan sa lungsod,” sabi niya.

Sinabi naman ni Congressman Marvey Mariño na ang Alay Lakad ay pagpapatunay ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa pagsuporta sa gawaing ito upang makatulong sa mga out-of-school youth at iba pang kabataang higit na nangangailangan.

Para kay Mayor Beverley Rose Dimacuha, malaking tulong ang Alay Lakad sa pag-aaral ng mga matatalino subalit kapospalad na mga kabataan.

Ayon kay Mila Espanola, hepe ng City Social Welfare and Development Office (CSWD), kasama rin sa mga scholars ng Alay Lakad ang mga batang may kapansanan at tumutulong sa iba pang youth development projects ng lungsod.

Game na game namang nagsayaw ng modern dance sila Congressman Mariño. Mayor Dimacuha, at mga miyembro ng Alay Lakad Executive Committee.

Nahirang na Ms. Alay Lakad 2018 si Lea Mhae Tan na kinatawan ng Dep Ed, 1st runner up si Shiela Mae Frago ng University of Batangas at 2nd runner up si May- Ann Magbato na child development worker ng Barangay Dumuclay.

Pinasalamatan ni Alan De La Torre, chairman ng Alay Lakad 2018 ang mga sumuporta sa programa ng Alay Lakad lalo na yuong mga naging top contributors noong 2017, na malaki ang naitulong lalo na sa edukasyon.

Dumalo rin dito ang Batangas Tanduay Athletic team bilang pagsuporta sa Alay Lakad at nagimbita sa mga taga lungsod na laging subaybayan ang kanilang mga laro.

Inaasahang lalaki pa ang halagang malilikom sa mga donors na magbibigay sa fund-raising project na ito. LIZA PEREZ DE (PIO Batangas City)