Day care teachers nagsanay sa first aid

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

BATANGAS CITY- Hindil lamang pagtuturo sa mga day care children ang responsibilidad ng mga child development workers o day care teachers kundi ang maseguro din ang kaligtasan at kalusugan ng mga batang nasa kanilang pangangalaga.

Dahil dito, may 33 child development workers ang sumailalim sa training at workshop na isinagawa ng CDRRMO tungkol sa Standard First Aid and Basic Life Support, Cardio Pulmonary Resuscitation (CPR) at Automated External Defibrillator (AED) noong May 24 sa nasabing tanggapan.

Itinuro sa kanila ang bandaging, proper transfer of victim, proper handling at dagdag kaalaman sa unang dapat gawin sa mga kaso ng heart attack, cardiac arrest, airway and breathing emergencies, asthma attack, hyperventilation, bleeding and shock, open wound, burns, poisoning, head and spine injuries, bones, joints and muscle injuries, stroke, seizures at bandaging technique, pagkabulon, pinsala sa mata, pagkahimatay, heat stroke, at biglaang sakit.

Ayon sa isang participant, hindi lamang ang kanilang mga eskwela ang makikinabang sa ganitong pagsasanay kundi ang kanilang pamilya at komunidad.

Sinabi naman ng CDRRMO na layunin nilang mapalawak ang kaalaman ng publiko sa standard first aid upang makapagsalba ng buhay. (PIO Batangas City)