PBA All Stars visit Batangas City

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Bumisita sa Batangas City ang PBA ALL Stars para sa isang exhibition game na gaganapin sa May 25 sa Batangas City Sports Center.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga sikat na manlalaro ng Magnolia Hotshots, Alaska Aces, San Miguel Beermen, Ginebra San Miguel, Rain or Shine Elasto Painters, Global Port, Phoenix Fuel Masters, Meralco Bolts, Blackwater Elite, NLEX Road Warriors at Columbian Dyip.

Magtutunggali ang mga manlalaro ng Luzon All Stars at Smart PBA All Stars sa ganap na ika pito ng gabi.

Sa 4:30 naman ng hapon, isasagawa ang slam dunk contest, three-point shoot out, skills challenge at shooting stars. Ayon kay PBA Commissioner Willy Marcial na isa ring Batangueno, layunin ng kanilang pagbisita na mabigyan ng kasiyahan ang kanyang mga kababayang Batangueno bilang pasasalamat sa walang sawang suporta ng mga ito sa PBA.

Una rito ay nagmotorcade ang PBA All stars sa loob ng poblacion kasama si Congressman Marvey Marino.

Bumisita din sila sa Station A ng medical ward ng Batangas Medical Center at sa EBD ward ng Jesus of Nazareth Hospital at namahagi ng goodies sa mga pasyente dito bilang bahagi ng kanilang programang “Alagang PBA”.

Lubos ang katuwaan ng mga residente ng Plantex, Barangay 4, barangay Cuta, Sitio Acacia ng barangay Calicanto at barangay Sampaga sa pagdalaw ng mga sikat na PBA players sa kanilang lugar.

Namigay din sila ng bola sa mga kabataan at namahagi ang Rain or Shine ng mga pintura para sa basketball court ng mga nasabing barangay.

Hindi din magkamayaw ang mga basketball fanatics sa SM City Batangas na nagkaraoon ng pagkakataon na makapagpapicture sa kanilang mga idolo sa isianagawang Meet and Greet ng grupo. (PIO Batangas City)