- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
SCU-BASURERO inilunsad upang maglinis ng karagatan
- Details
- Monday, 23 April 2018 - 4:58:20 PM
Iba’t ibang diving groups ang sumisid ngayong araw na ito sa dagat ng barangay Pagkilatan upang kolektahin ang mga basura rito bilang bahagi ng paglulunsad ng Batangas City Marine Protected Area (MPA) Network SCU-BASURERO sa pagdiriwang ng Earth Day.
Ang SCU-BASURERO ay isang awareness at protection scheme para sa mga MPAs ng lungsod sa ilalim ng Barangay Reef Assessment and Development (BRAD) program. Ito ay ipatutupad ng City ENRO sa pakikipagtuwang sa MPA network kagaya ng management boards ng Verde Island Sanctuary, Ilijan Fishery Refuge and Sanctuary at Pagkilatan Fish Reserve. Dumalo rito ang mga city at barangay officials, department heads at mga kinatawan ng mga national government agencies.
Ayon kay Secretary to the Mayor Victor Reginald Dimacuha na kumatawan kay Mayor Beverley Rose Dimacuha, ang bawat isa ay responsable at dapat gawin ang kanyang parte sa pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan.
Sinabi naman ng hepe ng City Enro na si Oliver Gonzales na bilang ang Isla Verde ang itinuturing na “center of the center of marine bio-diversity” sa buong mundo, lalong nararapat na pangalagaan ang mga karagatan dito. Habang lumalago ang turismo ay kailangan ding protektahan ang kalikasan aniya. Para naman kay Konsehal Gerardo dela Roca, chairman ng Committee on Environment and Urban Development, Land Use and Zoning, ang Earth Day celebration ang tamang okasyon upang i commit ang ating sarili sa pangangalaga ng kapaligiran sa pamamagitan ng paglilinis at pagtatanim ng puno. Sa ilalim ng proyektong ito, magkakaroon ng monitoring at mangongolekta ng basura sa karagatan ang mga divers na tinatawag na Scu-basurero sa mga MPAs tuwing ikatlong buwan.
Ang City Enro ang mangunguna sa gawaing ito at magbibigay ng logistics kagaya ng weighing scale, waste sacks, logbook at iba pa habang ang mga MPA management boards naman ang magtatalaga ng kani kanilang Scu-Basureros. Ang mga bangka at diving gears ay ipo provide ng mga MPA management boards at ng Office of the City Veterinary ang Agricultural Services (OCVAS). Pwede ring patulungin ng OCVAS ang mga bantay dagat sa gawaing ito. ( PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.