Inauguration of Tingga Labac MPCC

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Magagamit na ang multi-purpose covered court ng barangay Tingga Labac dahil kumpletom na ang konstruksyon nito at isinagawa na rin kaninang umaga ang blessing at inauguration nito sa pangunguna nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha.

Ang covered court ay nakatayo sa may 900 sq.meter na loteng pag-aari ng barangay. Ito ay may kumpletong pasilidad kagaya basketball court na may kumpletong ilaw, entablado na may backstage dressing rooms at toilets para sa babae at lalaki.

Maluwang at maaliwalas ang covered court kung kaya’t angkop ito hindi lamang sa mga sports at cultural activities ng barangay ngunit maging sa malalaking okasyon at programa.

Ayon kay barangay chairman C-noy Telegatos maari ring gamitin ang pasilidad maging sa mga personal na selebrasyon ng mga taga-Tingga Labac basta magiging maingat lamang sa panggamit nito. “Maari itong gamitin sa mga personal na handaan, birthday, kasal at iba pa, kaya lang ay gagawa muna kami ng rules para mangalagaan at mapanatiling malinis ang covered court,” dagdag ni C-noy.

Nagpasalamat rin siya kina Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey Mariño sa pagkakaloob ng mga ito sa naturang proyekto.

Sa mensahe ni Mayor Beverley Dimacuha ay ikinuwento kung paano naging masigasig si Brgy. Chairman C-noy para magkaroon ng covered court. “Makulit po itong si pangulong C-noy, panay na panay ang follow up dahil matagal na daw pong pangarap ng barangay ang isang covered court,” dagdag pa ni Mayor Dimacuha. Hiniling niya na unawain siya dahil hindi mapapagsabay sabay na mapagbigyan ang mga kahilingan ng mga barangay dahil hindi sasapat ang pondo. Nagpasalamat din sya kay Congressman Mariño na nakakuha ng budget mula national government na siyang naiidagdag sa ppondo ng mga pagawain sa lungsod. (PIO Batangas City)