OCVAS nagbakuna ng mga baka laban sa hemorrhagic septicaemia

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

BATANGAS CITY- May 113 baka sa limang barangay sa lungsod ang libreng naturukan ng anti-hemorrhagic septicemia vaccine ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) mula January -March 2018, kasama na dito ang 24 na baka naturukan mula barangay Balete noong March 16.

Ang pag-aalaga ng baka ang isa sa mga ikanabubuhay ng mga taga Balete.

Ayon sa OCVAS, mahalagang maturukan ang alagang baka ng ganitong bakuna sapagkat mahirap gamutin ang hemorrhagic septicemia kapag hindi nabakunahan ang baka at nauuwi sa pagkamatay ng hayop.

Sinabi rin ng OCVAS na ang mga palatandaan kung may sakit ang baka ay hindi makakain, naglalaway, sinisipon at nag tatae ng dugo. Kapag ang baka ay nabakunahan na, kailangang isang buwan ang palugid bago ito ibenta. Dapat ding hindi liguan ng isang linggo at nakatali sa lugar na hindi naiinitan. Kada ikaanim na buawan lamang ang epekto ng bakuna. (PIO Batangas City)