Ilang pamilya sa dalawang barangay nag evacuate dahilan sa labanan ng military, pulis at NPA

  emergencymeeting1.jpg emergencymeeting2.jpg emergencymeeting3.jpg emergencymeeting4.jpg emergencymeeting5.jpg emergencymeeting6.jpg emergencymeeting7.jpg emergencymeeting8.jpg

BATANGAS CITY- May 87 pamilya ang nag evacuate sa Talahib Pandayan at 50 pamilya naman sa Cumba dahilan sa naging encounter sa pagitan ng mga New People’s Army , Armed Forces of the Philippines at BatangasCity PNP kahapon ng umaga sa sitio Tibig, Talahib Pandayan.

Tinutulungan ngayon ng pamahalaang lungsod ang mga evacuees sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office na nagbibigay ng pagkain, ang City Health Office para sa medical assistance at ang City Disaster Risk Reduction Management Office.

Sa emergency meeting ng City Peace and Order Council na ipinatawag ni Mayor Beverley Dimacuha ngayong umaga, binigyang diin dito ni Chief of Staff Atty. Victor Reginald Dimacuha na lahat ng assistance kagaya ng pagkain, medical at iba pa ang ibibigay ng pamahalaang lungsod at iba pang ahensya kagaya ng Philippine Red Cross sa mga evacuees.

Isinuspinde rin ng Department of Education ang klase sa 15 public elementary at high schools mula ngayong araw na ito hanggang bukas upang maseguro ang kaligtasan ng mga eskwela at school personnel. Ang mga paaralang ito ay ang: Tibig Elem. School, Cumba ES, Talahib Pandayan ES, Talahib Pandayan National High School, Talahib Payapa ES, Sto. Domingo ES, Maruklap ES, Conde Itaas ES, Talumpok Proper ES, Talumpok Silangan ES, Talumpok NHS, Sto. Niño ES, Sto. Niño NHS, Haligue Silangan ES at Haligue Kanluran ES. Ayon sa mga kinatawan ng Batangas City PNP at military, nasa clearing operations na sila sa kasalukuyan at sinabing ang official report tungkol sa security details ay manggagaling lamang sa kanila.

Ayon naman sa kinatawan ng Philippine Coast Guard, nagsasagawa sila ng monitoring sa mga vicinity waters ng lungsod at wala pa naman silang nakikitang sightings ng pag exit ng mga rebeldeng ito.

“Kailangang nasa highest alert ang TDRO, DSS at Coast Guard at kung mayroon mang suspicious activities ay makipag coordinate sa pulis,” sabi ni Atty. Dimacuha. (PIO Batangas City)