Barangay Banaba Center nagsanay sa updating ng kanilang barangay disaster management plan

  BBC1.jpg BBC2.jpg BBC3.jpg

BATANGAS CITY- Sumailalim sa workshop ang mga barangay officials, samahan ng kababihan at leader ng bawat sitio ng Barangay Banaba Center sa kanilang Covered Court noong August 25 tungkol sa updating ng kanilang Barangay Disaster Risk Reduction Management Plan.

Ayon kay Jerick Czar Atienza, trainor ng CDRRMO, “kailangang ma update ang kanilang BDRR Management Plan dahil ito ang kanilang magiging gabay upang mas lalo nilang mapaghandaan ang anumang uri ng kalamidad na darating.”

Tinuruan ang mga participants sa updating ng mga areas ng kanilang BDRR Management Plan kagaya ng preparedness, prevention and mitigation, response and rescue at rehabilitation. Nalaman din nila ang mga lugar sa kanilang barangay na unang dapat tulungan sa panahon ng kalamidad. (PIO Batangas City)