Batangas City DRRMO champion sa 1st Batangas Rescue Olympics 2017

  CDRRMO1.jpg CDRRMO2.jpg CDRRMO3.jpg CDRRMO4.jpg CDRRMO5.jpg CDRRMO6.jpg CDRRMO7.jpg

BATANGAS CITY- Binigyang pagkilala ng pamahalaang lungsod ang City Disaster Risk Reduction Management Office CDRRMO sa pagkapanalo nito bilang kampeon sa 1st Batangas Rescue Olympic 2017 na ginanap sa Provincial Sports Complex noong July 27 kaugnay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo.

Ang provincial Olympic na ito na isinagawa ng Provincial DRRMO at ng Philippine National Red Cross-Batangas Chapter ay nilahukan ng may 31 municipalities at tatlong cities. Ayon kay Rod De la Roca, hepe ng CDRRMO, patuloy ang kanilang tanggapan sa pag sasagawa ng mga pag sasanay sa mga disaster, emergency response at rescue sa mga barangay, business establishments at schools upang mapalakas pa ang kahandaan ng lungsod.

Pinabasehan ang mataas na overall rating na nakuha ng CDRRMO sa lahat ng kategorya. Dito sinusukat ang kahandaan at kagalingan ng mga rescuers sa mabilisang pag responde sa panahon ng kalamidad at mga emergency situation at kung paano ang mga rescuer mag analisa sa mga sitwasyon at kung paano nila ito agarang mabibigyang lunas. Nanguna din sila sa ibang category tulad ng basic transfer, CPR-cardio pulmonary resuscitation, basic transfer, situational analysis at quiz bee. (PIO Batangas City)