Tradisyunal na Flores de Mayo at Santacruzan pinapanatiling buhay sa Batangas City

  santacruzan1.jpg santacruzan10.jpg santacruzan11.jpg santacruzan12.jpg santacruzan13.jpg santacruzan14.jpg santacruzan15.jpg santacruzan2.jpg santacruzan3.jpg santacruzan4.jpg santacruzan5.jpg santacruzan6.jpg santacruzan7.jpg santacruzan8.jpg santacruzan9.jpg

Sa pangunguna ng City Cultural Affairs Committee, muling ipinakita ng Batangas City ang tradisyunal na Flores de Mayo sa Amphitheatre ng Plaza Mabini kung saan iba’t ibang barangay ang lumahok sa loob ng siyam na araw at nagtapos sa Santa Cruzan.

Ang siyam na barangay na lumahok sa Flores de Mayo ay ang Alangilan, Barangay 1, 2, at 5, Calicanto, Bolbok, Kumintang Ilaya, Bolbok Centro at Pallocan West.

Ipinakita barangay ang magkakaibang awit at paraan ng pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birheng Maria. Ilan sa mga barangay ay may mga awiting mabilis ang iba naman ay dasal, samantalang ang ilan naman ay gumamit ng mga awiting Latin.

May mga hermanos at hermanos sa bawat gabi, kung saan noong huling gabi (May 29) ay sina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang lumahok dito.

Ipinakita ang tradisyunal na Santa Cruzan kung saan ang mga tauhan o sagala, ang kanilang kasuotan at mga kagamitan ay ayon sa nakasaad sa Bibliya. Kabilang sa lumahok dito si Bb. Lungsod 2017 Liana Barrido na siyang naging Reyna Elena.

Naging huling kaganapan sa relihiyosong tradisyong ito ang pag-awit ng Salve Regina na pinangunahan ng Kura Paroko ng Basilica Immaculada Concepcion, Rev. Fr. Odong Dimaapi at pagbebendisyun sa banal na Sta. Cruz at Mater Dolorosa na kasamang ipinursisyon. (PIO Batangas City)