SM City Batangas handa sa kalamidad

  SM1.jpg SM10.jpg SM11.jpg SM12.jpg SM13.jpg SM2.jpg SM3.jpg SM4.jpg SM5.jpg SM6.jpg SM7.jpg SM8.jpg SM9.jpg

Naging maganda ang performance ng SM City Batangas sa eathquake at fire drill na isinagawa nito kung kayat ito ay nakakuha ng 83.2% rating mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang pinakamataas na evaluation rating sa lahat ng nagsagawa ng drill sa unang quarter ng taong ito.

Ayon kay Rod dela Roca, hepe ng CDRRMO, ipinakita ng nasabing mall ang kanilang kahandaan at ang mga improvements sa disaster preparedness plan nito. Naging kapansin pansin ang maayos na pamamahala sa chain of command, command and control, command post, safety and security, medical at health at iba pa na may kabuuang score ng 15 points sa evaluation form.

Pinuri ni dela Roca ang mahusay at klarong pagbibigay ng instruksyon ng Incident Commander (IC) na ginampanan ni Asst. Mall Manager Mina Buenaflor at ang pag-agapay sa kanya ni Mall Manager Lyn San Gabriel para matupad ang layunin ng gawaing ito. Pinuri rin ni dela Roca na nakapaloob rin sa disaster management ng mall ang vulnerable sector kagaya ng may kapansanan at mga buntis.

Ayon kay Buenaflor, seryoso ang SM City Batangas sa pagsasagawa ng emergency response drill hindi lamang dahil ito ay ipinapatupad ng higher management kundi alam nilang maraming insidente ang posibleng mangyari sa mall kaya hangad nilang maisiguro ang kaligtasan ng lahat. Aniya, mas malaki ang partisipasyon ngayon ng mga employees at tenants ng SM City Batangas dahil nakiisa rin ang department store sa drill na ito. “Ginawa na ring isa sa mga requirements sa renewal ng kanilang permit ang pakikiisa sa ganitong mga drill, upang higit na maging seryoso at maging handa sa anumang insidente,” sabi ni Buenaflor.

Ipinaabot rin ni Buenaflor ang pasasalamat ng mall sa CDRRMC sa patuloy nitong pag gabay at suporta sa kanilang disaster management activities.

Bago isagawa ang drill ay nagkaroon muna ng Fire Safety Seminar ang mga tenants, mall administrators, engineering at security agency representatives na isinagawa ng Batangas City Bureau of Fire Protection sa pangunguna ni Fire Chief Glen Salazar. (PIO BATANGAS CITY)