5 LGUs nagkasundong pangalagaan ang Verde Island Passage

  verdeisland1.jpg verdeisland2.jpg verdeisland3.jpg verdeisland4.jpg verdeisland5.jpg verdeisland6.jpg verdeisland7.jpg verdeisland8.jpg verdeisland9.jpg

Lumagda sa isang memorandum of agreement ang mga governors ng limang lalawigan sa Region 4 para sa pagbuo ng Verde Island Passage (VIP) Marine Protected Area Network and Law Enforcement Network upang higit pang mapangalagaaan ang karagatang ito na itinuturing na “Center of the Center of Marine Bio-Diversity”.

Ang VIP na may sukat na 1.14 million hectares ay isa sa pinaka “productive ecosystems” sa buong mundo kung saan ito ay nagbibigay ng pagkain, hanapbuhay at iba pang benepisyo sa mahigit dalawang milyong katao at kung saan matatagpuan ang mga yamang dagat kagaya ng whale sharks, sea turtles at magagandang corals.

Habang lumalago ang economic activities dito bilang mahalagang fishing ground at shipping route kung saan nanagana rin ang coastal tourism, nahaharap din ito sa mga panganib kagaya ng ilegal at mapanirang pangingisda, polusyon, unsustainable land use at irresponsible tourism. Ito ay vulnerable din sa climate change impacts na maaaring makaapekto sa infrastructure at food security ng mga komunidad na umaasa sa karagatang ito.

Ang MOA na ito ay inaasahan na magsilbing malaking hakbang upang maiwasan ang mga threats na ito sa VIP at mapanatili ang kagandahan at kahalagahan nito sa ating mundo.

Ang mga lumagda sa kasunduan ay sina Romblon Governor Eduardo Firmalo, Occidental Mindoro Governor Mario Mendiola, Batangas Governor Hermilando Mandanas na kinatawan ni Senior Boardmember Rowena Africa, Marinduque Governor Carmencita Reyes na kinatawan ni Allan Nepomuceno at Oriental Mindoro Governor Alfonso Umali na kinatawan ni Marlyn Alcanices. Kabilang din sa lumagda ang Department of Environment and Natural Resosurces , Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Philippine National Police at Philippine Coast Guard.

Ayon kay Enrique Nunez, Country Executive Director ng Conservation International Philippines Foundation Inc. (CI), sila ay kumikilos upang matupad ang kanilang mithiin na magkaroon ng “healthy at prosperous world” na pakikinabangan ng mga tao at ng susunod na salinlahi.

Hangad nila na ma-formalize the network para sa malawakang pangangalaga ng marine protected areas at makapag develop ng financing mechanism para dito.

Hinikayat niya ang lahat na magtulungan upang pamarisan hindi lamang ng ibang government units kundi gayundin ng ibang kalapit na bansa bilang ang Pilipinas ay mahalagang bio-diversity area na bahagi ng Coral Triangle na “globally important marine area”. “Whatever we do here in the VIP will add up to all the efforts of what the government is doing and countries in the Coral Triangle initiative will also learn from what we’re doing in the VIP,” dagdag pa ni Nunez.

Sa mensahe ni Mayor Beverley Dimacuha na kinatawan ni City Environment and Natural Resources Officer (CENRO) Oliver Gonzales, sinabi niya na nagagalak siyanga mapiling venue ang Batangas City ng mahalagang okasyong ito kung saan ang mga pamahalaang lalawigan sa Region 1V ay “united for a common goal”. Pinasalamatan din niya ang CI sa inisyatibo nito na maprotektahan at mapanatili ang VIP. (PIO Batangas City)