TINGNI: Kasalang Bayan 2022 sa Batangas City

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

TINGNI: Sampung pareha ang nakinabang sa programang libreng maramihang pagpapakasal ng pamahalaang lungsod na ginanap sa Basilica of the Immaculate Conception ngayong araw.
Ito ay sinimulan ni dating Mayor Eduardo B. Dimacuha noong taong 1996 na naglalayong mapatibay ang pagsasama ng pamilya na syang basic unit ng lipunan.
Ito ay pinangangasiwaan ng Batangas City Civil Registrar’s Office (BCCRO).

Patuloy na itinataguyod ng CRO ang naturang programang upang maikasal yaong mga matagal nang nagsasama.
Hangad din nila na mabigyan ng pangalan at at mapangalagaan ang kapakanan at karapatan ng mga batang naging bunga ng kanilang pagsasama.
Ang CRO ang nag-asikaso ng lahat ng mga kailangang dokumento tulad ng marriage license at iba pang requirement sa pagpapakasal.
Bukod sa hindi na maabala ang mga magpapakasal sa paglalakad nito, maraming mga nabibilang sa higit na nangangailangang pamilya ang walang kakayahang gumastos para dito.
Ang mga ikinasal ay sumailalim sa marriage counseling, responsible parenthood seminar, parent effectiveness seminar at family development session na makakatulong sa kanila upang maging matatag ang kanilang pamilya.

Dumalo din sa nabanggit na okasyon si Mayor Beverley Dimacuha na naghandog ng regalo sa mga ikinasal. 39 (male) at 36 (female) ang edad ng mga pinakamatandang ikinasal habang ang pinakabata naman ay 27 (male) at 25 (female) taong gulang. 10 taon ang pinakamatagal nang nagsasama at may dalawang anak. Sila ay ikinasal ni Rev Fr Angel Pastor, ang Parish Priest ng Minor Basilica and Parish of the Immaculate Conception.

Lubos ang pasasalamat ng mga beneficiaries ng naturang proyekto sa tanggapan ng Tagatalang Sibil sa pamumuno ni CRO Charisma Mojares at kay Mayor Dimacuha sa pagkakataong ipinagkaloob na maging legal ang kanilang pagsasama. (PIO Batangas City)