- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City Police Station tumanggap ng dalawang awards
- Details
- Tuesday, 15 October 2019 - 1:30:00 PM
Tumanggap ng Plaque of Recognition bilang 2019 Best City Police Station ang Batangas City at Best Senior Police Commissioned Officer for Administration ang kasalukuyang hepe nito na si PLTCOL Sancho Celedio sa buong probinsya ng Batangas.
Ito ay iginawad ng Batangas Provincial Police Office sa idinaos na 118th Police Service Anniversary celebration, October 14, sa Camp Miguel Malvar.
Sa dalawang magkasunod na taon 2018 at 2019 ay nakuha ng Batangas City Police Station ang pagkilala bilang pinakamahusay na himpilan ng pulisya sa buong lalawigan. Ito ay dahil sa kanilang pagtataguyod ng misyon ng kapulisan na maipatupad ang batas, maiwasan ang kriminalidad at mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng lungsod.
Ayon kay Celedio, bumaba ang crime incidents sa taong ito, base sa weekly crime incident reporting at ito ay dahil sa kooperasyon ng mga barangay officials at mga residente. Aniya, kung may mga significant crime incidents kagaya ng homicide ay mataas rin naman ang clearance and solution efficiency rate kung saan na-identified at naaresto ang suspect(s) at nai-file ang kaso sa korte.
Kasama naman sa maigting na kampanya laban sa iligal na droga ng Batangas City PNP ang mga programang magbibigay pagkakataon sa mg surrenderers na makabalik sa komunidad bilang produktibong mamamayan at mabigyan ng hanapbuhay sa tulong ng mga partner agencies. Isa na rito ay ang tanggapan ni Cong. Marvey Mariño na nagbibigay ng libreng skills training katuwang ang TESDA.
Binigyan ng konsiderasyon sa naturang award ang general administration ng himpilan, lahat ng activities ng bawat tanggapan tulad ng traffic, intelligence, investigation, children and women’s desk at iba pa, at ang kanilang epektibo at mabilis na pagresolba ng mga kaso.
Idinagdag rin niya na malaking bahagi ng award na ito ay ang suporta nina Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Mariño sa mga programa ng kapulisan.
Ibinahagi ni Celedio ang Best Senior Police Officer award sa kanyang mga kasamahan na laging naka suporta at kaisa sa layuning mapanatili ang katahimikan sa lungsod. “Whatever recognition is given to me, is a collective recognition of how everyone, men and women of the City Police Station has contributed,” sabi niya.
Nagpapasalamat si Celedio na nakita at kinilala ang kanilang pagsisikap. Ito aniya ay magiging inspirasyon nila upang higit na pagbutihin ang kanilang paglilingkod. “Thiis recognition is helping us to give back what is expected of us, what we owe to our partners and prove to ourselves, di man natin kayang mag-isa, we’re being helped. Bonus ang recognition na ito, with or without this we will continue to perform our mandate,” pagtatapos niya. (PIO Batangas City)
Latest News
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
- Nasa 51.5% ng mga kabataan sa lungsod ang aktibong nakikilahok sa mga cultural activities sa Batangas City
- May 150 pamilya sa lungsod ang nagtapos bilang benepisyaryo ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), September 11
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.