Kab scouts nagpagalingan sa Kawan Holiday competitions

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg


BATANGAS CITY – Mga kab scouts sa siyam na distrito ng mga public at private schools sa lungsod ang nagpatalbugan ng galing sa taunang “Kid Pasiklab at Kabsayawan” na isinagawa noong Ika- 24 ng Agosto sa Sports Coliseum.

Ang nasabing paligsahan ay naglalayong maipakita ang mga talento ng mga kid at kab scouts at magkaroon ng camaraderie ang mga scouts mula sa ibat ibang barangay.

Nagwagi ng 1st place para sa Kabsayawan ang district 1 na kinatawan ng Batangas City East Elem. School; second ang district 4 na kinatawan ng Ambulong Elem. School at 3rd ang district 7 na kinatawan naman ng Libjo Elem. School.

Para naman sa Kid Pasiklab, first place ang Bucal Elem. School ng district 3; second place ang Batangas City East Elem. School ng district 1 at 3rd ang Banaba West Elem. School ng district 8.

Unang gantimpala sa Singing Kid Scout ang Batangas City South ES ng district 5; 2nd ang Pagkilatan ES ng district 9 at 3rd ang Banaba Center ES ng district 6.

Ang mga nagkamit ng unang pwesto ay nakatakdang kumatawan sa Batangas City sa regional competition sa Sept. 6-7 na gaganapin sa Lucena City. (Alvin M. Remo, PIO Batangas City)