Breastfeeding , advocacy ni Mayor Dimacuha at dalawa pang local officials

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Muling ipinahayag ni Mayor Beverley Dimacuha ang kanyang advocacy sa breast feeding kasama ang kapwa niyang advocates na sina Bokal Cllaudette Ambida at Councilor Aileen Arriola sa ginanap na Breastfeeding Symposium ng City Health Office, August 28, sa Teachers Conference Center.

Dumalo dito ang may 100 health workers at barangay nutrition scholars mula sa City Health Office, mga barangay, ospital at paaralan upang mapalawak ang kaalaman sa benepisyo ng pagpapasuso ng ina ng kanyang gatas.

“Ang breastfeeding ang isa sa pinakamalaking investments ng isang ina dahil hindi lamang ito makagagaling sa kanya kundi sa kanyang anak,” sabi ni Mayor Dimacuha. Ikinuwento niya ang malaking suporta ng kanyang asawa at impluwensiya ng kanyang ina sa kanyang breastfeeding. Binigyang diin din niya na mahalagang kumain ng masustansyang pagkain ang mga nagpapasusong ina upang maging malusog siya at maibigay rin niya ito sa kanyang anak.

Iinilahad naman ni Bokal Ambida na bagamat hindi siya direktang nakapagpasuso, gumagamit siya ng breast pump upang maipainom ang kanyang gatas sa kanyang anak. “Pwede tayong maglaan ng pamahon para makapag breastfeed sa ating mga anak,” sabi niya.

Ayon kay Councilor Arriola, nakapagpasuso siya hanggang umabot ng tatlo hangga limang taong gulang ang kanyang anak at hindi siya nahihiyang magpasuso kahit saang lugar.
Naging resource speaker si Sharon Lopez Geronimo, isang breastfeeding counsellor at founder ng online platform na Breastfeeding Ala eh!

Ayon sa hepe ng City Nutrition Division na si Luciana Manalo, mababa ang prosiyento ng mga nagpapasusong ina sa lungsosd kung kayat pinapayuhan ang mga healthworkers na palakasin pa ang awareness campaign sa kahalagahan ng pagpapasuso. Mayroon din aniyang ina na halo ang breastfeeding at pagpapasuso ng infant formula lalo na ang mga working mothers.

Payo ng mga health authorities sa mga ina na magpasuso ng kanilang gatas sapagkat ito ay may kumpletong sustansya at may kolostrum, ang madilaw at malapot na unang daloy ng gatas ng ina,na mayroong antibodies na panlaban sa impeksyon, alltergy at iba pang sakit. Mas matalino rin o mataas ang IQ ng isang breastfed na bata.

Mas matipid din ang magbreastfeeding dahil hindi na kailangang bumili ng gatas. Nababawasin din ang panganib sa ina ng ovarian at breast cancer.

Ipinagdiriwang ngayong Agosto ang Breastfeeding Month na may temang " Lakas ng magulang, sigla ng pagpapasuso - Kalusugan, Nutrisyon at Kinabukasan ng Kabataan". (PIO Batangas City)
Image may contain: 1 person, smiling