- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mayor’s Night muling idinaos sa hosting ng Batangas City ng PAGSO convention
- Details
- Friday, 15 March 2019 - 4:44:00 PM
Ipinakita ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang mainit na pagtanggap sa may 200 delegasyon ng Philippine Association of General Services Officers (PAGSO) sa idinaos na Mayor’s Night, March 14, sa Batangas City Convention Center bilang host ng 13th PAGSO CALABARZON Regional Convention.
Naging tampok sa Mayor’s Night ang cultural show, kung saan sa pamamagitan ng mga sayaw ay ipinakita ang mga tradisyon at kultura hindi lamang ng mga Batangueño kundi ng iba’t ibang rehiyon sa bansa kagaya ng Igorot, Maria Clara, Tinikling at iba pa. Isinagawa ito ng Likhang Sining Dance Company ng Marian Learning Center at Science High School.
Naging bahagi din nito ang skit ukol sa punto ng mga Batangueño kung saan gumanap ang mga piling empleyado ng pamahalaang lungsod.
Ipinakita rin sa pagtatanghal ang talento sa pag-awit ng mga mag-aaral ng Special Program for the Arts (SPA) ng Batangas National High School at sa makabagong sayaw ng mga kawani ng pamahalaang lungsod.
Nagpakita ng espesyal na pagtatanghal ang mga empleyado ng General Services Department (GSD) at nagpa raffle din sa gabing ito.
Naging highlight din ng gabi ang fashion show ni Bb. Lungsod ng Batangas 2019 Jeannette Reyes at kanyang mga runners up kung saan isinuot nila ang mga gowns na creation ng local designer na si Arian Gamboa.
Ang programa ay pinamahalaan ng Batangas City Cultural Affairs Committee at ng GSD na siya ring namahala sa tatlong araw na convention katuwang ng Provincial GSD.
Latest News
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
- Nasa 51.5% ng mga kabataan sa lungsod ang aktibong nakikilahok sa mga cultural activities sa Batangas City
- May 150 pamilya sa lungsod ang nagtapos bilang benepisyaryo ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), September 11
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.