Division Sports Competition binuksan na

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

BATANGAS CITY- Pormal na binuksan ng Department of Education, Region IV-A Calabarzon Batangas City Division ang limang araw na Division Sports Competition 2018 na nilahukan ng mga public at private elementary at secondary schools sa Batangas City Coliseum ngayong Lunes, September 24.

Sa pagsisimula ng programa, nagkaroon ng entrance ng mga athletes, coaches, school officials at iba pang participants mula sa sports oval football field papunta sa loob ng coliseum.

Sinabi ni Dr. Donato G. Bueno, OIC Schools Division Superintendent, Division of Batangas City na kada taon ay isinasagawa ang event na ito upang piliin ang mga excellent athletes na sasanayin at ilalaban sa regional at national sports competition kasama na dito ang Palarong Pambansa.

Sina Jake Ellis Evangelista at Antonio Miguel Pascual, 2018 Palarong Pambansa athletes, ang nanguna sa Lighting of the Games Urn. Si Lilian Margaret Ebora ang nagbigkas ng Athletes Oath of Amateurism habang pinangunahan naman ni Nicolas Asi, education program supervisor I MAPEH ang Oath of Conduct for Officiating Officials. Ang Raising of Units Flag ay pinangunahan ng Distric Cluster Head, district sports coordinator. Nagbigay din ng special number ang SPED athletes habang ang BNHS School for the Arts students ay nagtanghal ng modern dance.

Nanguna ang sports coordinatos ng elementary at secondary athletes sa Unity Dance na 2018 Campus Wellness Dancercise na ginaya naman ng mga manlalaro. (PIO Batangas City)