Fireworks safety seminar idinaos

  1.jpg 2.jpg

BATANGAS CITY- Naging host ang Batangas City Police ng taunang fireworks safety seminar na isinagawa ng Philippines Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Incorporated (PPMDI) upang maiwasan ang sunog at aksidente na maaring maging sanhi ng maling produksyon, pagbebenta at paggamit ng produktong ito.

May 200 manufacturers, dealers, at mga police personel mula sa Region 4-A at 4-B ang lumahok sa nasabing seminar. Ang seminar ay alinsunod sa Exectuive Order No. 28 Providing for the Regulation and Control of the Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices.

Ayon kay Engr. Celso Cruz, chairman emeritus ng PPMDAI, matagal na nilang ginagawa ang seminar na ito upang ipaalam sa publiko ang mga bagong rules at regulations hinggil sa manufacture, sale at paggamit ng fireworks.

Ayon kay Spo1 Osmundo A. Calalo Operation/CPSM/Firearms Desk PNCO Batangas City PNP, ang Batangas City aniya ang isa sa mga malimit gumamit ng fireworks sa mga malalaking pagdiriwang kung kayat mahalagang malaman dito ang mga safety measures pagdating sa fireworks.

Layunin din nilang tulungan ang pamahalaan na makapagpakalat ng impormasyon, guidelines o circulars na ipapalabas nito at mapataas ang technical na kaalaman ng mga miyembro ng samahan sa pamamagitan ng training at seminar kagaya nito. Ipinaliwanag din niya na mahalaga ang distansiya ng mga tindahan sa mga bodega upang maiwasan ang pagkakadamay ng ibang pasilidad kung sakaling may pumutok na produkto. Nagbibigay din sila ng assistance sa mga miyembro nito sa processing ng requirements para sa issuance ng permit at lisensiya bilang manufacturer o bilang dealer ng pyrotechnic products. (PIO Batangas City)