P13 billion-Annual Investment Program inaprubahan ng City Development Council

  AIP1.jpg AIP2.jpg AIP3.jpg AIP4.jpg AIP5.jpg

Inaprubahan ng Batangas City Development Council sa Full Council Meeting nito ang Annual Investment Program(AIP) for 2018 ng lungsod na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P13 bilyon.

Matapos buksan ni Mayor Beverley Dimacuha ang pagpupulong, nagbigay ng presentation ng nilalaman ng AIP 2018 si City Planning and Development Coordinator Januario Godoy.

Ayon sa kanya, ang AIP ay nahahati sa mga sumusunod: general public services na may budget allocation na P4.7 bilyon kung saan nakapaloob ang mga gastusin sa personnel services, maintenance and other operating expenses at capital outlay ng lahat ng mga opisina sa ilalim ng executive department, Gender and Development, interest sa bank loan, 20% Dev. Fund at Special Education Fund na ginagamit sa konstruksyon at pangangailangan ng mga paaralan; social services na nagkakahalaga ng P928.9 milyon at kinabibilangan ng CLB, social wefare services at health services; at economic services na nagkakahalaga ng P7.5 bilyon at kinabibilangan ng veterinary and agricultural services, engineering, environmental services, market administration, slaughter house, at mga non-infra projects. Ang may pinakamalaking bahagi ng pondo ay ang economic services na nakakuha ng 57%, sunod ang general public services na nakakuha ng 36% at social services, 7%.

Ayon kay Congressman Marvey Mariño kabilang sa mga paglalaanan ng pondo ng AIP ang pagpapagawa ng mga kalsada sa poblacion at iba pang barangay na matagal ng nakaplano. Sinabi niya na malaking pondo ang nakapaloob dito sapagkat kasama dito ang pondong manggagaling sa national government. Nilinaw din niya na kailangan ng loan sa bangko upang gamitin sa infrastructure development at iba pang proyekto ng hindi kailangang itaas ang buwis upang makaakit ng investments na siyang magpapataas ng revenue ng lungsod . Hindi naman tayo bibigyan ng loan ng bangko kung wala tayong kapasidad na mabayaran ang ating utang, dagdag pa ng congressman.

Ibinalita naman ni City DILG Director Victoria Amor San Gabriel na posibleng ma postpone ang barangay election at ganapin ito sa May o October 2018 subalit sa oras na ito ay wala pang batas tungkol sa ostponement. Nilinaw din niya na walang kinalaman ang DILG sa mga balita ng solicitation para sa nomination for appointment ng mga barangay captains at kagawad na papalit sa kasalukuyang nakaupong barangay officials. (PIO BATANGAS CITY)